Subscribe

RSS Feed (xml)

Powered By

Skin Design:
Free Blogger Skins

Powered by Blogger

Wednesday, October 29, 2008

Kasaysayan ng Karakol sa Mamburao

Noong Oktubre 1981 sa panahon ng panunungkulan ni Padre Ramon del Rosario, SVD, isang kakakaibang pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birhen at Patron ng Mamburao ang nasaksihan sa mga pangunahing lansangan ng Mamburao. Sa pangunguna ni Sis. Nene T. del Rosario, isang maliit na grupo ng mga Caviteño na naninirahan sa Mamburao at kasapi ng samahang Apostolado ng Panalangin, suot ang makukulay na damit, ang pasayaw na lumilibot sa saliw ng masasayang tugtugin, pasan ang andas ng Patron Nuestra Señora del Pilar. Noong una, ang pagtanggap sa KARAKOL ay naging malamig sa maraming mga taga-Mamburao, na noon lamang nakakita ng ganitong uri ng debosyon subalit pagkaraan ng tatlong taon, maging ang mga taga-Mamburao ay naging aktibong kabahagi ng Karakol.

Ang pagsasayaw sa langsangan ay dinadaluhan ng mga kasapi ng samahang pansimbahan at ang pagbubuhat ng andas ng Patron ay naging debosyon ng maraming kalalakihan ng Mamburao. Sa pagdaan ng Karakol sa tapat ng pamilihang-bayan, tahanan, paaralan o tanggapan, ipinapakita naman ng buong pamayanan ang kanilang pakikiisa sa pamamagitan ng pag-aalay ng donasyon bilang tanda ng pasasalamat sa kaligtasan at biyayang tinatamasa sa buong nakalipas na taon.


Hindi nagtagal, napadagdag din sa pagdiriwang ang Fluvial Parade, bilang pasasalamat naman sa Patron para sa kaligtasan ng mga mangingisda at para sa mga biyaya ng dagat. Sakay ang Patron, ang mga bangka na nagaganyakan ng makukulay na palamuti, maliit man o malaki, ay lumilibot sa dagat na nasasakupan ng bayan ng Mamburao.


Ngayon, ang Karakol at Fluvial Parade ay bahagi na ng taunang pagdiriwang ng Kapistahan ng Nuestra Señora del Pilar ng mga taga-Mamburao.


Kaya, tara na! Sama na tayo sa Karakol at Fluvial Parade.

No comments: