O Nuestra Senora del Pilar
Patron ka ng aming bayan
Matimyas na Birheng Maria
Ina ng Mamburao
Bukal ka ng pag-ibig
At pagsintang tunay
Sa oras ng lungkot at mga kabiguan
Ikaw ang aliw at aming kanlungan
Koro:
O Nuestra Senora del Pilar
Pintakasi ka ng aming bayan
Taga-aliw ng mahina't lakas ka ng mamamayan
O Nuestra Senora del Pilar
O Nuestra Senora del Pilar
Kami ay bendisyunan
O Nuestra Senora del Pilar
Kami ay ipagdangal
Ina, kami'y iyong anak
Dinggin sa iyong paanan
Ibigay mo sa amin ang awa
At 'yong pagmamahal.
Kay Kristo na anak mo
Kami nawa'y tulungan
Idulog ang dalanging
Kami ay pakinggan
Damhin ang biyaya't aming kaligtasan
Tuesday, October 21, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment